Biyernes, Marso 29, 2013

Bulaklak

   "BULAKLAK, kay ganda ng bulaklak...

        Kay bango ng bulaklak,,,,,,,,,

        dulot sa akin ay galak........."


isang awitin mula kay Kuh Ledesma patungkol sa mga bulaklak. ano kaya ang nagbigay inspirasyon sa lumikha ng awiting ito upang makabuo siya ng isang napakagandang himig at liriko?

 Naalala ko nang ako ay unang magturo, nagnobena ako kay ST.THERESE,ang tinaguriang " THE LITTLE FLOWER of JESUS". Kapag dininig ni St.tHERESE panalangin mo ay makakatanggap ka raw ng bulaklak sa mga taong hindi mo inaasahan.
ika-anim na araw pa lamang ako sa pagnonobena, nag-aayos ako ng aming silid-aralan ,pinapipila ko ang mga bata nang may lumapit sa akin,si PEARL MAY.."MADAM, pinabibigay po sa inyo ni Kuya. Tanim po namin ang mga rosas na ito" napatanga ako at tiningnan ko ang inosenteng mukha ng isang bata.


hindi ko ianasahan na ang batang ito ang magbibigay tugon sa  akingpagnonobena kay St.THERESe.
napalundag ako sa tuwa. batid kong galing sa langit ang mga bulaklak na ito at ipinadala sa akin ni St.THERESe.


sa mga nilikha ng DIYOS, ang mga bulaklak ang isa sa mga katangi-tangi para sa akin. kaakit akit ang kanilang iba'y-ibang kilay. marami itong mga simbolo sa ating buhay
sumasagisag din ito sa mga iba't ibang damdamin ng tao sa ibat ibang okasyon na ating dinadaluhan.
sa kasalan,kapag espesyal ang kasal,tiyak punungpuno ng bulaklak ang loob ng simbahan at ang paligid na lalakaran ng ikakasal ...kung sa arw ng pagtatapos may mga bulaklak rin na makikitang nakasabit sa leeg o dibdib ng nagtapos.....sa mga nais mapasagot ang iniirog na liyag tiyak may kasamang bulaklak ang tsokolateng handog ng binata sa dalaga......sa isang yumao, bulaklak pa rin ang huling handog.

sa aking pananaw,tulad tayo ng mga bulakalk,may natatangi tayong amoy at halimuyak.
depende sa mga taong sa atin ay nakapaligid at kung paano nila tayo tinitingnan....maganda ba o pangit ang dating natin sa kanila....masangsang ba o may natatangi tayong  bango.

kung tayo ay nagbibigay liw sa mga taong nalulungkot,katulad din tayo ng mag bulaklak na magaganda ang kulay at may natatanging halimuyak....hinahanap-hanap tuwina.......kung tayo nama'y may kababaang-loob,katulad rin tayo ng mga bulaklak sa parang,kahit maliliit ay nakadaragdag ganda sa mga nagtataasang talahiabn.

nakakita na ba kayo ng bulakalk ng bawang/ kulay ube ito...maganda itong tingnan lalo na sa malayo....wangis nito ay orkidyas...pag lapit mo ay mabaho ang amoy at hindi mo nanaising pitasin pa at amuyin....katulad rin ito ng isang tao....maganda/guapo pero pag nakasama mo na at lumabas ang natural na ugali ay hindi mo na nanaisin pang makasama ito kahit sa panaginip man lamang.

kung tutularan natin ang ating Panginaaoong Hesukristo sa kababaang loob,napakaraaming bulakalk ng "amorseco" ang didikit sa ating katawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento